Naaalala ko pa ang panahon noong isinulat ko ang tulang “Medyou.” Mayo 2018, isang normal na gabi sa Makati kung saan pauwi na akong mag-isa galing opisina. Huminto ako sa may kanto ng dela Rosa at Pasong Tamo tulad nang nakasanayan. Doon kasi ang normal na abangan ng jeep biyaheng PRC na dadaan ng Shopwise-Makati kung saan malapit ang dormitoryo ko. May mga dumadaan na jeep ngunit siksikan na. Gayundin sa sumunod pang mga jeep. Tatlong minuto ang nakalipas hanggang naging lima, sampu, labinlima at nang ‘di ko namamalayan ay naging tatlumpung minuto na ang paghihintay. Napansin kong lalong dumadami na rin ang kapwa ko pasahero. Nangangawit na ako sa pagkakatayo at gustong-gusto ko nang umuwi. Nakakainis at nakakainip na ang mga sumunod pang segundo. Nagsimula nang maglaro sa isip ko ang mga tanong na kailangan ba na lagi nalang magtiis maghintay, pumila at ma-traffic pag-rush hour? Walang no choice na ba Pilipinas? Ganito nalang ba lagi ang kalsada sa Maynila? Nang may malalim na buntong hininga, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pauwi. Pagod na ako pero hindi ko hahayaang maipit pa ako doon at masayang ang nalalabing oras. Oo may halong duda na din ang desisyon kong iyon. Mahigit isang kilometro din kasi ang layo ng dormitoryo ko. Nangangahulugan din ito ng isang kilometrong usok, busina, at alikabok kaakibat ng isang kilong laptop bag. Habang naglalakad ay napakaraming negatibong salita ang sumasagi sa aking isip. Salitang naglalarawan sa nakikita ko habang naglalakad ako. Mga salitang tulad ng maalinsangan, magulo, maingay, nagmamadali at nakakapagod. Parang yung isip ko noong panahon na ‘yon. Pagkauwi ko ng bahay, hinablot ko ang cellphone ko at nagsimulang isulat ang tulang naisip ko noong naglalakad ako. Nakakatuwa isipin na sa gitna ng trapik ay may umusbong na ideya.
Minsan, sa likod ng maalinsangan, magulo, at maingay na pagkakataon ay nasusulyapan natin ang ating mga sarili. Mas nagiging klaro sa atin ang mga bagay na gusto at hindi natin gusto na kalaunan ay bumubuo sa ating personalidad bilang tao. Pero sana ay huwag nating hayaan ito na magdikta sa kung paano natin haharapin at pakikitunguhan ang buhay. Mali ako na dahil minsan pakiramdam ko ay galit sa akin ang uniberso ay dapat maging ganoon din ako sa mundo. Mali ako na piliin lamang ang masasayang parte ng buhay at itakwil yung bandang malulungkot. Mali ako na ireklamo nalang ang problema at humanap ng masisisi bukod sa sarili.
Siguro nakakahanga ang mga taong kayang magmahal nang sobra para sa mga bagay na gusto nila. Pero hindi ba’t mas kahanga-hanga silang pilit nagmamahal kahit hindi sila gusto? Na-realize ko na kaya nasabi kong maalinsangan magulo, maingay at nakakapagod ang Makati ay dahil ‘yon lang ang nakikita at naiisip ko noong panahon na yon. Masyado akong nagpa-apekto. Pwedeng maging paraiso at biyaya ang Makati kung gugustuhin ko. Siguro nga, totoo, life is just a matter of perspective.
The world weeps for itself on days like this and you stretch and stare to find things that make it worthwhile. At least it’s not boring. You keep teeling yourself that. Perspective is nine tenths of everything.
“I wrote this for you” by Ian S. Thomas
WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.
About the Author
- Eros' life revolves on being a CPA, a Cartoonist, a Poet, and an Accountant. She is an introvert art enthusiast (Accounting is an art!) from Colegio de San Juan de Letran-Calamba. Minimalism is the form of art I try to advocate. She is also blessed to have inclination towards colors and shapes. Currently, she is pursuing professional growth in Diaz Murillo Dalupan and Company CPA as a Senior Audit Associate.
Author's latest published articles
- Creative WritingJanuary 20, 2019MAKATA SA MAKATI: Medyou
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Bagyo
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Gutom sa Pagmamahal
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Ilaw Trapik