MAKATA SA MAKATI: Ilaw Trapik

Ano kaya ang mundo,
Kung bawat desisyon mo
May stoplight na nakatapat sa ‘yo?
‘Yong hindi ka na mag-iisip pa nang malalim at komplikado?
Kasi sa bawat tanong kung stop o go,
Kampante ka na and isasagot nito ay makakabuti at sigurado.

Ngunit kung sakaling magsabi sya ng NO,
Ikaw ba ay maniniwala at hihinto?
Maghihinntay kahit ang minimithi ay ilang metro na lang ang layo?
Pagbibigyan ang nalalabing dalwang minuto?
O ipauubaya sa kapalaran pero may kasamang kunot noo?

Sa araw araw mo kasing pagtawid sa may kanto,
Napapansin kong sana’y ka nang sumugal at tumakbo,
Makipagtulakan sa mga nakabalakid na estranghero,
At sa matutuling behikulo, makipaglaro ng patintero.
Nagbabakasakaling makatipid ng ilang segundo, Pagkat alam mong huli ka na sa trabaho.

Baka ‘yong mga panalangin mo ay pareho lang nito.
Hindi pa maibigay kasi hindi pa ito ang panahon mo.
Pero lagi kang nagmamadali at nagpapabibo,
Kaya madalas nabubunggo ka sa maling pagkakataon, nabubungo sa maling salita, nabubunggo sa maling kaibigan, nabubunggo sa maling bisyo, nabubunggo sa maling negosyo, nabubunggo sa maling relasyon, nabubunggo sa maling dahilan, nabubunggo sa maling trabaho, nabubunggo sa maling bagay, nabubunggo sa maling tao.
Pero ‘yan ang totoo. Hindi stoplight ang para sa ‘yo, Kung hindi tiwala, pasensya at pagiging disiplinado.

WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.

About the Author

Eros Espino
Eros Espino
Eros' life revolves on being a CPA, a Cartoonist, a Poet, and an Accountant. She is an introvert art enthusiast (Accounting is an art!) from Colegio de San Juan de Letran-Calamba. Minimalism is the form of art I try to advocate. She is also blessed to have inclination towards colors and shapes. Currently, she is pursuing professional growth in Diaz Murillo Dalupan and Company CPA as a Senior Audit Associate.