Makulimlim nanaman yata ang iyong mga mata.
Bawat buntong hininga tila habagat ang dala.
Naririnig ko ang manaka-nakang pagkulog ng iyong dibdib.
May kidlat na kasingtalas ng ‘di maipaliwanag na katahimikan ang sayo’y sumanib.
Ikaw na nga ba ang nagkatawang taong anyo ng bagyo?
Sa pagbaha ng iyong mga tanong,
Sa pagbuhos ng pinakamasakit mong mga kuwento,
Sabay nating itupi ng laylayan ng iyong gulagulanit na puso,
At sabay tayong lumusong.
Nandito lang ako, hahawakan ko nang mahigpit ang iyong mga kamay.
Tulad nang pagkapit mo sa payong kapag hangin at ulan ay nagsabay.
Hindi ako nababagabag sa unos mo,
Sapagkat ikaw ang paborito kong bagyo. Tahan na, mahal ko.
WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.
About the Author
- Eros' life revolves on being a CPA, a Cartoonist, a Poet, and an Accountant. She is an introvert art enthusiast (Accounting is an art!) from Colegio de San Juan de Letran-Calamba. Minimalism is the form of art I try to advocate. She is also blessed to have inclination towards colors and shapes. Currently, she is pursuing professional growth in Diaz Murillo Dalupan and Company CPA as a Senior Audit Associate.
Author's latest published articles
- Creative WritingJanuary 20, 2019MAKATA SA MAKATI: Medyou
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Bagyo
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Gutom sa Pagmamahal
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Ilaw Trapik