Dati, hindi ako naniniwala ‘pag sinasabi nilang may problema na ako.
Kamakailan ko nga lang kasi napagtanto,
Adik na nga ako sa ‘yo.
Di ko akalain na pwede ka palang maging bisyo.
‘Yong tipong sa ‘yo na yata umiikot ang buhay ko.
Ano bang timpla mo ba’t sa sistema ko ang lakas ng tama mo?
Magdamag na tayong magkatitigan,
Maghapon ding magkahawakan.
Lulong sa agahan, tangahalian, merienda at hapunan.
Gano’n pa din sa Sabado, Linggo, mapa Araw ng kagitingan.
Sa magulang ko, lagi na lang ba kitang pagtatakpan?
Dahil tingin nila relasyon natin ay kalokohan,
Binibigay ko daw ay ‘di mo tapat na masuklian,
Ni hindi mo rin nga ako kayang maipaglaban.
Pagod na, pero habol na habol pa din ako.
Ayaw na, pero pilit pa ding ginugusto.
Minsan naiisip ko nang sumuko,
Pero teka, mahirap pala humanap ng trabaho.
WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.
About the Author
- Eros' life revolves on being a CPA, a Cartoonist, a Poet, and an Accountant. She is an introvert art enthusiast (Accounting is an art!) from Colegio de San Juan de Letran-Calamba. Minimalism is the form of art I try to advocate. She is also blessed to have inclination towards colors and shapes. Currently, she is pursuing professional growth in Diaz Murillo Dalupan and Company CPA as a Senior Audit Associate.
Author's latest published articles
- Creative WritingJanuary 20, 2019MAKATA SA MAKATI: Medyou
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Bagyo
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Gutom sa Pagmamahal
- Creative WritingJuly 2, 2018MAKATA SA MAKATI: Ilaw Trapik