CPA Story: Grace upon Grace

October 6, 7, 13- mga araw na sobra akong kinabahan. Nag-exam ako ng October 6 na 24 hours na gising (‘di talaga ako makatulog), at nag-aral pa ng whole day before the board exam (‘di ako nakapagpahinga kahit no’ng mga sumunod na subjects).

Last day of the board exam- nasita ako ng watcher namin, ako lang ang tanging nasita sa aming 24 sa room, at dahil doon kinabahan ako ng sobra. Five out of six subjects na ang na-exam ko noon at noon lang ako napagsabihan na “Ang light ng pag-shade mo, baka hindi ‘yan mabasa ng machine”. Pang-limang subject ko na ‘yon, ibig sabihin ‘pag hindi nabasa ‘yong apat kong exam, BAGSAK na ako.

At heto na nga… October 22, 2018 na puro tungkol sa failure ang napapanuod at nababasa kong post, nag-iisip na ako kung signs ba ito. Open naman ako kung babagsak, tutal may naisip na nga akong mga dahilan kung nangyari eh – BAKA HINDI NABASA NG MACHINE ‘YONG SHEET KO, BAKA TUMALBOG DAHIL SA ERASURES KO, WALA PA AKONG TULOG NOON, HINDI KO NATAPOS ANG DAPAT KONG MATAPOS NA ARALIN.

At may dahilan din naman ako kung PUMASA – NAG-ARAL NAMAN AKO, ALAM KO NAMAN ‘YONG BASIC, MADAMI NA AKONG NA-EXAM NA NAIPASA KO NAMAN.

Pero wala akong naisip na dahilan kung magta-top ako. Madami lang akong pwedeng idahilan kung hindi

* Elem, HS, College : Achiever na pinakamataas kong nakuha

* Sa CPAR di man lang ako makapasok sa Top 10. Masyadong madaming magagaling, totooooo. At madami pang dahilan

Pero sa kabila ng lahat ng ito, ito ang binigay sakin ni Lord. Bakit? Dahil ito ang plano Niya para sa akin, at walang makapipigil sa gusto Niyang mangyari, kahit mismong sarili ko pa… Hindi sapat ang ARAL. Dapat samahan mo ito ng TAPANG, DASAL AT PANINIWALA.

Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang pangarap ko, SIMULA PA LAMANG ITO.

TO GOD BE ALL THE GLORY!

WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.

About the Author

Gladyleanne Luna
Gladyleanne Luna
Dylene placed tenth in the October 2018 Licensure Examination for Certified Public Accountants. She graduated from the Lyceum of the Philippines University–Laguna.
Author's latest published articles