Naaalala ko pa ang panahon noong isinulat ko ang tulang “Medyou.” Mayo 2018, isang normal na gabi sa Makati kung saan pauwi na akong mag-isa galing opisina. Huminto ako sa may kanto ng dela Rosa at Pasong Tamo tulad nang nakasanayan. Doon kasi ang normal na abangan ng jeep biyaheng PRC na dadaan ng Shopwise-Makati …
Makulimlim nanaman yata ang iyong mga mata. Bawat buntong hininga tila habagat ang dala. Naririnig ko ang manaka-nakang pagkulog ng iyong dibdib. May kidlat na kasingtalas ng ‘di maipaliwanag na katahimikan ang sayo’y sumanib. Ikaw na nga ba ang nagkatawang taong anyo ng bagyo? Sa pagbaha ng iyong mga tanong, Sa pagbuhos ng pinakamasakit mong …
Mahirap kapag kumalam ang sikmura, pero mas mahirap kapag kumalam ang puso. ‘Pag nauuhaw ka, uminom ka. ‘Pag nagugutom ka, ‘di kumain ka. Pero ‘pag malungkot ka, Ano nga ba ang reseta? Tawa. Yakap. Musika. Alak. Halik. Tula. Pera. Tulog. Iyak. Kasal. Bakasyon. Sine. Yoga. Sine. Esperetista. Libro. Jowa. Kape. Wifi. Yosi. Pero sana tulad …
Ano kaya ang mundo, Kung bawat desisyon mo May stoplight na nakatapat sa ‘yo? ‘Yong hindi ka na mag-iisip pa nang malalim at komplikado? Kasi sa bawat tanong kung stop o go, Kampante ka na and isasagot nito ay makakabuti at sigurado. Ngunit kung sakaling magsabi sya ng NO, Ikaw ba ay maniniwala at hihinto? …
Dati, hindi ako naniniwala ‘pag sinasabi nilang may problema na ako. Kamakailan ko nga lang kasi napagtanto, Adik na nga ako sa ‘yo. Di ko akalain na pwede ka palang maging bisyo. ‘Yong tipong sa ‘yo na yata umiikot ang buhay ko. Ano bang timpla mo ba’t sa sistema ko ang lakas ng tama mo? …
Hindi ko alam kung bakit o paano Na ang simulang napakaganda ay nauwi sa ganito, Kung bakit ikaw ay nagbabago, At trato na sa akin ay tila istorbo. Buti pa sila ‘pag iyong kasama, Masaya ka masigla at nakatawa Na tila alapaap ang iyong kinalalagyan, At hapis ay di alintana. Ngunit bakit sa pag-uwi mo …