Accountancy? Nako Mahirap yun! Wala kang social life no? Magaling ka dapat sa math diyan. Mga Valedictorian at Salutatorian lang ang kumukuha nang course na yan. Ganito madalas ang sinasabi ng relatives natin kapag naririnig ang word na ‘Accountancy’.
Isa rin ako sa mga taong naniwala na ganyan ang Accountancy. Pero sa totoo lang, hindi ko naging choice kunin ‘tong course na to, at alam kong hindi ko magugustuhan ang accounting. As a matter of fact, high school days pa lang meron din kaming accounting subject at sa sobrang boring lumalabas na lang kami sa room ng mga tropa ko para mag kwentuhan. Pero dahil gusto ko talaga mag take ng Law, ito ang sinasabi nilang pinakamagandang undergrad course para maging prepared ako sa Law school. At doon na nga, nagdecide na ko na yun na ang kukunin kong course sa San Beda. At ikukuwento ko ang naging journey ko sa pagiging CPA by explaining all the “myths” about accountancy
Myth # 1 – Magaling ka dapat sa math diyan
Isa ‘tong malaking kasinungalingan. May mga minor subjects kami na may kinalaman sa math tulad ng Calculus at Statistics, at nakakatawa man isipin pero mas muntik pa ko bumagsak dito sa dalawang subject na ‘to kaysa sa ibang major accounting subjects during that time. Mas kapanipaniwala pa nga kung sasabihin na dapat magaling ka sa English para maka-survive sa Accountancy.
Myth # 2 – Matalino ang kumukuha ng accountancy
Marami akong kasabayan noon na mga matatalino, mga honorable mention and even salutatorian and valedictorian. Wala akong na-establish na study habit noong high school pa ko hanggang sa umabot ako ng college at hanggang second year at even hanggang sa umabot ng third year. At masasabi ko sa sarili ko na lahat kami pantay pantay ang level ng understanding ng course na to. Talagang back to zero, lahat ng achievements mo in the past walang bearing. Pero pareparehas naman kaming naging CPA.
Myth # 3 – Wala kang social life sa course na yan.
Siguro mali lang ang perception ng mga tao sa course na to dahil sa loob ng accounting ako nagkaroon ng social life. Lahat halos ng Accountancy students, kakilala ko dahil talagang lahat ng tulong kakailanganin mo para maka-survive. Nag-iinuman kami minsan, naglalaro ng computer, nanonood din ng NCAA basketball sa MOA arena kapag finals na. I even met the love of my life while taking this course. Kaya lang siguro nasabi ng iba na walang social life ang mga students ng Accountancy dahil siguro mas mukha kaming busy pag nasa loob na ng school. Pero sa totoo lang, halos parehas lang kami sa ibang course, talagang may proper time lang para sa lahat ng activities. Kapag sa school, aral talaga. Pero once na mag-weekend na rin, party kung party!
At ang pang huling myth.
Myth # 4 – Mahirap yang course na yan!!
Oo mahirap ‘tong course na to, KAPAG NATAKOT KA! Mahirap ‘tong course na to, KAPAG DI MO KAYANG BALANSEHIN ANG BUHAY MO! Mahirap tong course na to, KAPAG HINDI KA BILIB SA SARILI MO NA KAKAYANIN MO! Pero in short, MADALI LANG TALAGA. In my own experience, nahirapan ako kasi hindi talaga ako nag-aral simula first year hanggang third year. As in pumapasok ako nang hindi nagbabasa at talagang okay na okay na para sakin ang pagkakaroon ng grade na tres. Masaya na ko doon. Pagdating lang ng review ako nagseryoso at sumakto pa nasira ang computer ko kaya talagang wala akong ibang magawa kundi mag aral. At doon ko lang na-realize na madali lang ang accounting kung talagang binalanse ko buhay ko. I even ranked 12th sa final pre-boards namin sa ReSA at hindi ako makapaniwala kung paano nangyari yun. Sorry na guys, ngayon lang ako magmayabang dahil yan lang naman ang pinaka achievement ko na. Kaya sa mga magta-take ng boards at mag-try pumasok sa Accountancy, go lang nang go! Wag kayo matakot dahil ganyan talaga ang buhay, you have to take risks. Wala naman mawawala kung it-try niyo. Kumbaga last 4 or 5 years na lang na mag-aaral tayo. Eto na yung point na crucial dahil dito tayo magde-decide kung ano and gagawin for another 30-40 years. Syempre kumuha ka na ng path kung saan may challenge at rewarding ang magiging outcome.
Lastly, magbibigay ako ng tip para mas maging masaya ang life niyo. Ang tip ko lang naman ay enjoy the journey kung san ka man tatahak. Dahil sa totoo lang kapag masyado mong inisip na ma-reach yung goal mo, mahihirapan ka talaga dahil hindi mo ine-enjoy yung moment with your friends, family etc. Kapag pumasa ka na ng board exam, maiisip mo na yung tuwa at ligaya na pumasa ka at tatagal lang yan for about 3-5 days tapos balik ka ulet sa iyong usual na routine. It was never about finishing the race but rather just living the moment you are currently in. Pag ganyan ang mindset mo sure ako na hindi mo iisipin ang hirap habang nag-aaral.
WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.
About the Author
Author's latest published articles
- CareersSeptember 5, 2018CPA Story: “Perfectly Balanced. As all things should be”