Feeling ko, my journey is not a typical story we commonly hear. Ako yung estudyante na maraming plano sa buhay pero hindi alam kung paano sisimulan ang mga iyon. Until one friend of mine told me na i-try namin ang BSA. Without hesitation, nakipagsiksikan kami sa bugso ng mga tao na gustong mag-enroll that time. Luckily, isa kami sa mga kauna-unahang naenrol sa BSA. At doon na nagsimula ang kwento sa pagkamit ng aking mumunting pangarap. Chour!
Gusto ko talaga maging science teacher, psychologist, engineer o astronomer, kaya medyo confusing kasi mas pinili kong pumasok sa BSA. Ang Accounting ay hindi naman na bago sakin. Tinuturo na sya nung 4th year high school ako. That is the reason why hindi ako takot na pasukin yon kasi ang alam ko, puro worksheet lang ang gagawin but I was wrong Hahaha.
First day of class is a major subject, Fundamentals of Accounting 1. Hindi ako makapaniwala, as in gulat na gulat! Yung tinuro ng teacher ko nung high school ay tinuro ng professor ko ng isang meeting lang. “Ganito ba talaga sa college?”,”Nasa tamang program ba ako?”, “Mali ata ako ng napasukan?”, “Ano pa kaya ididiscuss nya?”. Ilan lang yan sa mga tanong na pumasok sa isip ko after ng klase. Lumipas ang mga araw, we will be having our first quiz. Ang resulta, muntikan na akong pumasa. Same result lang sa mga sumunod na mga exams, major exams man yan o seatwork. Kaya ang swerte ko kasi pinasa ako sa hindi ko alam na kadahilanan.
Second year is my biggest downturn. Ito yung year kung saan nagaaral na talaga ako. Hindi kumpleto ang araw na hindi ko nahahawakan ang mga libro ko to prove na I deseve the slot that was given to me. But I think, my efforts will never be enough. To cut the long story short, I failed once more. As a result, I am no longer a candidate for Latin honors. I can no longer have a scholarship in support of my review after college and its pretty frustrating. Nawala yung pagmamahal ko sa accounting. Nawalan ako ng fire. Parang lahat nawala sakin. Despite of having a failing grade, I still managed to move in to third year.
Kahit na umabot ako ng third year, hindi ako masaya. Nasa point na ako na hindi ako nag-aaral. Pumapasok ako ng klase pero hindi nakikinig. I didn’t find the sense of doing it since I kept in failing. Ito pa yung kasagsagan na may monthly exams kami, na minsan nagiging weekly, worst na yung nagiging daily sya. Ang primary concern ko during that time ay kung paano ako makakakuha ng scholarship. Someone told me na pasukin ko ang JPIA kasi ang officers daw ay binibigyan ng scholarship kapag nag-review na. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano, I ran for the position of VP in Non-Academics, and luckily, I won. (Wala kasi akong kalaban HAHAHAHA). Mas nagfocus ako sa JPIA at sa Volleyball (hindi po ako magaling, nagmamagaling lang) kaysa sa acads ko. The cycle continues, pumapasok sa klase para lang masabi na pumasok, then after class, naglalaro ako ng volleyball o kaya naman nasa ibang school to represent JPIA sa meetings.
I was elected as President of JPIA in my final year (again, wala kasi akong kalaban Hahaha). Medyo kinakabahan ako dahil its my first time to hold that position. Hanggang PIO at Vice President lang ang dati kong nahahawakan. Mas naging active ako sa JPIA at sa NFJPIA-NCR. Kung kaya, mas naging bihira ang pagpasok ko sa klase, palagi akong excuse. In short, JPIA is life.
First sem of fourth year, may mga monthly, weekly o kaya daily exams pa rin kami. Super saya ko that time kasi may pinapasa ako sa mga exams kahit bihira ako pumasok kung kaya’t mas lalong lumakas yung loob ko to devote most of my time sa JPIA. Dumating ang second semester, same pa rin but this time, I was able to compete na. Hindi na ako yung sasama lang sa mga lalaban, this time isa na ako sa mga nilalaban. I started the year 2019 with a bang! Unang laban ko for this year ay nanalo ako. I was so proud! Nang dahil sa mga pagsali ko sa mga case study competitions, nakakuha ako ng mga scholarships. Then nagtuluy-tuloy hanggang matapos ang school year. Nakakatuwang tingnan na yung mga trophies na nakikita mo sa accounting library, ang ilan doon ay may participation ako. Nang dahil sa achievements na yun, bumalik yung love ko sa accounting. Sa point na ito ng college life ko, dito ko lang nasabi na gusto kong maging CPA. It took me more than three years for me to realize what I really want it.
Before dumating ang review period after graduation. Tinanong ko ang sarili ko, “Ready na ba ako sumabak?”. Ang daming realizations and regrets. I thought I am equipped and ready to take the CPALE, but I was wrong. Ang dami ko pa palang hindi alam, especially in Taxation at RFBT! Parang lahat ng topics sa mga nabanggit na subject na yan ay zero knowledge ako. Nalungkot ako. Nanghinayang ako sa oras na sinayang ko during my undergrad. Ang dami kong idle time. But it’s okay, at least, alam ko kung saan ako magfofocus at papasok during my review. I enrolled in CPAR upon the recommendation ng Top 9 ng CPALE na galing sa UCC kasi yun daw yung review school na maga-address ng weaknesses ko. And besides, may scholarship akong nakuha sa CPAR kaya doon na rin ako pumasok.
Before ako pumasok sa review, I make sure that I take this three things into consideration. First, myself. Sino ba ako as a person? Ano ba yung kakayahan ko? Am I capable of doing this? What are my strengths and weaknesses? Gusto ko ba tong ginagawa ko? We must know ourselves kasi mahirap sumabak sa laban kung hindi mo alam kung ano-ano ba yung kaya mong gawin. Second, vision. What is my plan in the future? Ano ba ang gusto ko paglaki? Bakit ba ako lumalaban? Para saan ba ang lahat ng ito? I established this because it will serve as my guide in making necessary action and decision in the present. Kumbaga, para hindi ako madiskaril sa aking pupuntahan. It must be clear and realistic. Ginawa ko yan with conviction para sure ako na maa-achieve ko sya. Lastly, my environment. Ano ba yung susuungin ko? Ano-ano ba mga kailangan ko in order to survive? Sino-sino yung mga makakasama at makakasalamuha ko dito? Dapat aware ako sa mga papasukin ko. I need to assure that the environment I am in is necessary to achieve my vision.
Dumating ang review period, nag-dorm ako kasama ng mga maiingay kong kaklase, 8 kami to be exact (joke ako pala ang pinakamaingay hahaha!). It was a lot of fun! I don’t feel any pressure, sadyang nage-enjoy lang ako (ewan ko sa mga kasama ko kung nageenjoy sila kasama ako Hahaha!). Nakukuha ko pang maglaro ng volleyball, pumunta ng UCC para makipagkwentuhan sa mga bata doon, uminom (yes, lasinggero na po ako joke hahaha!), movie marathon at gumala not until the first pre-board. I was too confident na ipapasa ko yun at alam kong papasok ako ng Top 100. Nagpainom pa ako dahil masyado akong masaya. Pero nung nilabas yung list of Top 100, nanlumo ako. Wala ako sa Top 100 na compose of almost 3,000 reviewees na galing sa iba’t ibang school. Umiyak ako, as in hagulgol! Pinagyabang ko pa sa pamilya ko na I made it pero yung totoo, hindi talaga. Naging ‘The Crying Ladies’ kami sa bahay nung nakita ako ng Mama at mga ate ko na umiiyak. I was down. Hindi ako makapaniwala. Mas nasaktan ako dahil ako lang sa mga kaklase ko ang hindi nakapasok sa list. Feeling ko ang bobo ko. Inisip ko na lahat ng pwedeng maging reasons for me to fail that preboard, but it remained unanswered. Two weeks ang lumipas bago ko malaman ang resulta ng preboard ko. Nakaka-disappoint dahil alam kong hindi yun ang rating na nakuha ko. Pina-recheck ko yun para ma-satisfy ang sarili ko. After few days, nilabas nila yung results ng rechecked exams ko. Doon lumabas na I ranked 39th overall. Siguro it was part of His plans for me to realize something, na huwag masyadong maging mayabang at confident. From that moment, I tried to change that bad habit. Nakakatuwa kasi feeling ko na-achieve ko naman.
Patuloy pa rin ang pagvo-volleyball at paggala ko after first preboard but this time, medyo minimal na lang. Dumating ang final preboard, I am satisfied sa result though it was not that high.
Two weeks before the CPALE, mas inaral ko yung mga weaknesses ko, TAX and RFBT. After mag-aral, natutulog ako. Mas marami nga lang ang tulog kaysa aral. Feeling ko lagi akong pagod kaya ganoon ang laging nangyayari. Kung hindi pa ako kokonsensyahin ng mga kasama ko sa dorm, hindi ako makakapag-aral.
Dumating ang actual CPALE. Sa first day, nakatulog ako sa 2nd subject ng almost one and a half hour. Kung hindi pa ako ginising ng proctor, baka hindi pa ako nakapagshade ng answer sheet hahaha! Tuwing matatapos ang examination, ang gaan sobra ng pakiramdam ko. Nakahinga-hinga ako ng maluwang dahil at last, tapos na. Pero tuwing uuwi ako ng dorm to rest, nado-down ako. Hindi ko alam kung bakit. To ease the feeling, pumupunta ako ng simbahan. Nagdadasal at nagmumuni-muni and of course, nagpapasalamat for everything. Lahat naman ay mahirap. Wala naman sigurong nadalian sa CPALE. (Hindi ko alam sa iba. Basta ako nahirapan Hahaha!).
The journey wasn’t easy. Andaming struggles pero andami kong natutunan! After 10 days of procrastination, I am so happy because I made it! Through His grace, I am now a CPA.
All throughout the process, marami talaga ang hindi maniniwala na kakayanin mo, and it’s normal. It’s up to us kung paano sila iha-handle, kung magpapaapekto ba tayo or we will stand firm to prove them wrong.
Ang clear lang sakin ngayon, masaya ako sa ginagawa ko. Noong una hindi ako masaya. Pero pinili kong maging masaya kasi ginusto ko yun. Pangarap ko yung nakasalalay dito. Mahirap magpatuloy kung hindi ka masaya sa ginagawa mo. Kung hindi ka masaya, lagi kang mapapagod emotionally and physically. In short, nagsasayang ka lang ng resources at panahon.
WRITE A RESPONSE ARTICLE
Response article enables VoicePoints readers to respond to the article published by the author by completing the form below. Under ‘Message’ box, please ensure to include the title of the main article you are responding.
About the Author
Author's latest published articles
- CareersDecember 21, 2019CPA Story: Nostalgia